^

PM Sports

Wala pang import ang Magnolia

Andrew Dimasalang - Philstar.com
Wala pang import ang Magnolia
Chito Victolero

MANILA, Philippines — Hindi magmamadaling maghanap ng import ang Magnolia kahit pa papalapit na ang 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay ayon kay head coach Chito Victolero na inamin na hanggang ngayon ay wala pa rin silang napipiling reinforcement para sa mid-season conference na sisiklab sa Mayo 19.

“Wala pa kaming import,” ani Victolero. “Wala pa pero naghahanap na. Magsasabi kami kapag meron na.”

Kasalukuyan kasing nasa kalagitnaan ng giyera ang Hotshots kontra sa San Miguel Beer sa idinaraos na 2019 PBA Philippine Cup best-of-seven Finals series.

At nais ni Victolero, higit sa paghanap ng imports ay ituon muna nila ang kanilang atensyon sa naturang serye kung saan nakalamang na sila, 2-1, matapos ang malaking 86-82 tagumpay sa Game 3.

Ang paghahanap nila ng import ay makakapaghintay dahil ayon sa tradisyon ay hindi naman agad sila sasalang sa Commissioner’s Cup bilang Finalist ng Philippine Cup kasama ang Beermen.

Inaasahan na pagkatapos ng All Filipino conference sa Mayo 15 ay sa katapusan ng buwan o sa Hunyo na magsisimula ang kampanya nila sa import-laden conference.

Sa lahat ng 12 koponan, tanging Magnolia na lamang ang walang import matapos ianunsyo ng Talk ‘N Text ang dating NBA player na si Terrence Jones bilang import nila.

Sasamahan ni Jones sa Commissioner’s Cup bilang mga bagitong imports sina Kyle Barone ng Columbian, Chris Daniels ng Alaska at Prince Ibeh ng NorthPort.

Magbabalik naman ang mga pamilyar na imports na sina Justin Brownlee ng Ginebra, Charles Rhodes ng San Miguel, Rob Dozier ng Phoenix at Denzel Bowles ng Rain or Shine gayundin sina Alex Stepheson ng Blackwater at Tony Mitchell ng NLEX.

CHITO VICTOLERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with