App Da Bonus nakadehado
Vince Nuguid (Pang-masa) - January 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanalo ang dehadong kabayo na App Da Bonus na ginabayan ni jockey JL Paano sa Race 5 kasunod ang Gold Fisher na sinakyan naman ni jockey AR Villegas sa Race 6 sa karerang naganap noong Martes sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Bandera sa karerang pinangunahan ng App Da Bonus ang mas dehadong Miss Marshall na ginaba-yan ni jockey OP Cortez kasunod ang mga kabayong Puerto Princesa, Digame, White Chocolate, App Da Bonus, Camorra at Play it Safe na nasa pinakahuli.

Bago dumating ng huling kurbada ay bandera pa rin ang Miss Marshall pero kasunod na nito ang kabayong Digame habang bumagsak naman sa pa-ngatlo ang Puerto Princesa kasabay ang nagpaparemateng App Da Bonus at White Chocolate.

Pagsapit sa rektahan ay lamang pa rin ang Miss Marshall ng tatlong katawan sa segundo puwestong Digame kasunod ng malakas na nagpaparemateng App Da Bonus na nakuha ang harapan pagdating sa last 50 meters kung saan nanalo pa ito ng may tatlong katawang agwat.

Nagbigay sa Forecast ng dibidendong P204.50 sa kada-isang ticket para sa nanalong kumbinasyon na 7-6 habang maganda pa ang bigay sa Daily Double na may tamang P29.00 kahit na kumabit ito sa nanalong outstanding favorite na Certain To Win sa Race 5.

Sa Race 6 naman lumaban at nanalo ang isa pang dehadong kalahok na Gold Fisher sakay si jockey AR Villegas kung saan sinundan lang nito ang debanderang Rocket Star sabay layo pagsapit ng huling kurbada para tuluyan kunin ang dehadong panalo.

Nagbigay sa Forecast ng dibidendong P93.50 para sa nanalong kumbinasyon  na 2-6 habang ang Last Daily Double naman kabit sa nanalong Snap Dance sa huling karera ay nagbigay pa ng tamang P31.50 para sa nanalong kumbinasyon na 2-9.

Ang Exotic Betting Option naman na Winner Take All ay nagpamigay ng dibidendong P6,652.00 para sa mga nanalong kabayo na Multi Awardee (Race 1), Mahilig (Race 2), Probinsyano (Race 3), Certain to Win (Race 4), App Da Bonus (Race 5), Gold Fisher (Race 6) at Snap Dance (Race 7) para sa nanalong kumbinasyon nito na 11-3-7-8-7-2-9.

 

APP DA BONUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with