^

PM Sports

Fajardo Greatest Player of All Time?

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Fajardo Greatest Player of All Time?
June Mar Fajardo

MANILA, Philippines — Tangan ang rekord na limang Most Valuable Player (MVP) awards, solo na ngayon sa tuktok ng Philippine Basketball Association (PBA) si June Mar Fajardo.

Papasok sa kanyang ikapitong season pa lamang matapos mapili ng San Miguel bilang first overall pick noong 2012 PBA Rookie Draft, si Fajardo na agad ang may hawak ng pinakamaraming MVP plums sa 43-taong kasaysayan ng pinakamatandang liga sa Asya.

Nalagpasan niya na ang mga idolong sina Alvin Patrimonio ng Purefoods at Ramon Fernandez ng San Miguel na pawang may tig-apat na MVPs noong kapanahunan nila.

Bunsod nito, umuugong ang usap-usapan kung ang 29-anyos na si Fajardo na nga ang maituturing na pinakamagaling sa kasaysayan o siyang Greatest Of All Time (GOAT)?

Para sa beteranong head coach na si Tim Cone na may hawak ng pinakamaraming titulo sa kasaysayan  (21 championships), hindi ganoon kadali ang debate ng GOAT sa PBA.

“I think it’s very difficult to compare eras. Mon Fernandez was incredible, Alvin Patrimonio was incredible as well,” aniya.

Bilang batayan, kinumpara ni Cone ang GOAT debate din sa NBA kung saan hati rin ang madla kung sino ba ang pinakamagaling sa kasaysayan bunsod ng magkakaibang henerasyon ng mga naturang manlalaro.

“June Mar is the number one in MVPs but you know, Kareem Abdul Jabbar had six MVPs, but they don’t consider him the best of all time, cause it’s a different era,” dagdag ni Cone.

“Michael Jordan came later, LeBron James came later, Bill Russel before them. So it’s really difficult for me to compare eras. And if I say June Mar, then that’s saying something about Mon, that’s saying about Alvin.”

Kaya’t para kay Cone, panghabambuhay na magiging debate kung sino ang pinkamagaling dahil hindi naman nagpang-abot ang mga naturang kandidato at laging hati ang mga tao dito na napanood sila mula sa magkakaibang henerasyon.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with