_pang-masa
^

PM Sports

Helushka patok sa Race 1

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumaas ng laban pero lamang na lamang pa rin ang tambalan ng kabayong Helushka at jockey OP Cortez sa unang karerang lalargahan mamaya sa pista ng Sta Ana Park Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Sunud-sunod ang ginawang panalo ng Helushka at ang huli ay noong Disyembre 28 kung saan ini­lampaso ng nasabing kabayo ang mga nakalaban na Double Sunrise, Lady Khaleesi, Gentleman Jim at Manila Boy.

Bumandera sa nasabing karera ang kabayong Double Sunrise pero agad din itong sinundan ng Su­per Mega Oustanding Favorite sa bentahan na He­lushka na nirendahan ni jockey RM Garcia.

Pagdating sa huling 400 metro ay nakuha na ng tambalang Helushka at jockey RM Garcia ang unahan at pagsapit ng rektahan ay tuluyan nang nang-iwan ang kabayo kung saan nanalo ito ng may limang katawan agwat laban sa nasegundang Double Sunrise.

Gumawa ang tambalang Helushka at jockey RM Garcia ng kwartos na 23’ 22’ 26’ para sa ka­bu­­uang pruweba na 1:11.8 para sa distansyang 1200m. sa pista ng Metro Turf Club.

Si jockey OP Cortez na pangatlo sa listahan ng magagaling na hinete ang sasakay sa Helushka mamaya kaya naman asahan na mas maganda ang ipapakita ng kabayo sa kamay ng nasabing Class A jockey.

HELUSHKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with