Balasahan sa Talk N Text
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para sa misyong maibalik ang dating ba-ngis at angas nito, patuloy ang pagbalasa ng Talk ‘N Text hindi lamang ng mga manlalaro kungdi pati na rin ng coaching staff nito papasok sa 44th season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ay matapos ang paglipat ni assistant coach Sandy Arespacochaga mula sa NLEX upang samahan sina head coach Bong Ra-vena at consultant Mark Dickel sa kampo ng KaTropa.

Natalaga sina Ravena at Dickel noong Set-yembre upang palitan ang dating chief mentor na si Nash Racela.

Nauna nang natanggal sa kampo ng TNT ang dating chief mentor na si Racela at assistant din nitong si Josh Reyes.

Magugunitang si Anton Lister na lamang ngayon ang natitirang deputy sa TNT sa ilalim ni Racela noon matapos ang napaulat ding pag-alis ni long time assistant coach Eric Gonzales sa pagtatapos ng 43rd season ngayong buwan.

Malaking tulong ang inaasahan mula kay Arespacochaga lalo’t hindi lamang ito sa NLEX nagsilbing assistant kundi gayundin kay Tab Baldwin sa Ateneo De Manila University.

Ang tambalan nila Baldwin at Arespacochaga ay nagbunga ng tagumpay para sa Blue Eagles na nagkampeon nang dalawang sunod na taon sa University Athletic Association of the Philippines.

Matatandaang dati na ring nagsilbi sa TNT si Arespacochaga sa ilalim ni Norman Black bago malipat sa Meralco noong 2014 at sa NLEX sa sumunod na taon.

TALK N TEXT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with