Ancheta kumuha ng bronze medal
(Pang-masa) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ni ve­teran powerlifter Adeline Ancheta na mabokya sa medalya ang Pilipinas sa 2018 Asian Para Games.

 

Ibinulsa ni Ancheta ang bronze medal matapos bumuhat ng 107 kilo­grams sa women’s over 86 kilogram Para power­lifting event kahapon sa Balai Sudirman sa Jakarta, Indonesia.

Itinala ni Ancheta ang kanyang best lift sa se­cond attempt para tumapos sa ikatlong posisyon.

Inangkin ni Lee Hyunjung ng Korea at Sri­yanti Sriyanti ng Thailand ang gold at silver me­­dal sa binuhat nilang 115kg. at 114 kg., ayon sa pagkakasunod.

Ang tansong medalya ni Ancheta ang nag-iisang medalyang nakuha ng Team Philippines.

Kamakalawa ay nagbulsa ang mga Filipino ches­sers ng tatlong gold medals, habang nasikwat ni swimmer Ernie Ga­wilan ang ikalawa niyang gintong medalya.

ADELINE ANCHETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with