Rafa nakadehado
Vince Nuguid (Pang-masa) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanalo ang dehadong kabayo na Rafa na sinakyan ni jockey CP Henson sa Race 7 sa naganap na karera kamakalawa sa pista ng Metro Turf Club sa Malvar Batangas.

Sa nasabing karera ay bumandera ang kabayong Magnitude Eight na pagmamay-ari ni Mr. Rene Villoria sakay ang Class B rider jockey na si EL Blancaflor pero nasegunda puwesto lang ang tambalang Rafa at jockey CP Henson.

Bago sumapit ang huling kurbada ay tuluyan nang nakuha ng dehadong Rafa ang unahan at nakaraos nito ang panalo laban sa rumeremateng mga kabayo na Iansibetiks, True Religion, High Quality at Overwhelmed.

Naglalakihan ang mga naging dibidendo dahil sa Forecast palang ay P1,435 na kaagad ang tinamaan ng mga nakakuha sa nanalong kumbinasyon na 7-4 habang Deadhit naman ang resulta ng mga tumaya sa Trifecta sa kumbinasyon 7-4-2 na nagbigay ng P1,292.40 at 7-4-6 na nagbigay naman ng P4,329.20 kada ticket.

Carry-Over naman o walang tumama sa mga tumaya sa Exotic Bets na Quartet, Pentafecta at maging sa Super Six Betting Option dahil walang nakasapol sa kumbinasyong 7-4-2, 6-2, 6-8-9.

Malaki rin ang naging dibidendo sa Daily Double kabit sa nanalong kabayo na Talldarknhandsome sa Race 6 dahil P356 ang ibinigay nito habang sa Extra Double naman kabit sa nanalong kabayo na Magic Square ay nagbigay ng tamang P1,936.50 sa isang ticket.

Libo na rin ang naging dibidendo sa Pick-4 kung saan P1,411.20 ang ibinigay sa isang ticket habang ang mga tumaya naman sa Pick-5 at nakakuha sa nanalong kumbinasyong 1-6-6-3-7 ay nagbigay ng P9,071.40 kada isang ticket.

NAKADEHADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with