_pang-masa
^

PM Sports

Viva Morena wagi

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi binigo ng kabayong Viva Morena na sinakyan ni jockey Dan Camañero ang mga tumaya sa naturang kabayo na siyang pinaboran sa ating Race Program Sniper at maging sa story na inilibas noong araw ng Martes sa mismong araw ng takbo ng nasabing kabayo.

Sa nasabing karera ay walang pinauna ang tambalang Viva Morena at Camañero paglabas pa lamang ng aparato pero nagtangkang humabol ang kabayong Multi Awardee kahit medyo masama ang salida nito.

Sa likod ng pagpupursigi ng Multi Awardee sakay ang hineteng si jockey JE Apellido hanggang sa sumapit ang huling kurbada ay naubusan ito sa rektahan para tuluyan nang iwanan ng kabayong Viva Morena.

Nanalo ang Viva Morena na may isang poste ang layo sa nasegundang Batang Arrastre at nakapagtala ng pruwebang 1:12 sa 1,200m na distansyang tinakbuhan sa pista ng Sta Ana Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Ang Forecast Betting Option sa nanalong kumbinasyon na 9-3 ay nagbigay ng dibidendong P22.50 sa kada-limang pisong taya habang ang Trifecta naman ay nagbigay ng tamang P25.20 sa isang ticket.

Nagbigay naman ang Daily Double kabit sa nanalong kabayo na Ava Natalia sa unang karera ng dibidendong P14.50 sa kada-limang pisong taya habang ang sobrang liyamado ang Daily Double kabit sa nanalong Gonzee’s Song sa Race 3 ay nagbigay lang ng P8.00 kada-limang pisong taya.

Dahil na rin sa ganda at husay ng pagkapanalo ng Viva Morena ay kaabang-abang kung sakaling maila-laban ito sa mahuhusay rin na mga batang kabayo tulad ng Super Sonic, Wonderland, Smart Candy, Victorious Colt at Pride of Laguna.

 

VIVA MORENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with