_pang-masa
^

PM Sports

Tucker’s Diamond nakadehado

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakadehado ang kabayong Tucker’s Diamond na nirendahan ni jockey AS Pare noong Huwebes sa naganap na karera pista ng Sta. Ana Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Sa nasabing karera ay pinilit ni jockey AS Pare na makuha kaagad ang bandera at sinuwerte naman na walang makasabay sa ginawang ayre.

Pagdating sa rektahan ay pilit na humahabol ang Maincore Sunspots at Fire Crackers.

Nanalo pa ang pinakadehadong kalahok nang may mahigit sa limang katawan agwat sa Maincore Sunspots at Lets Dance Zumba.

Deadhit ang Forecast sa dalawang kabayo kaya ang kumbinasyon na 4-2 ay nagbigay ng dibidendong P209.50, habang sa Lets Dance Zumba na may kumbinasyong 4-5 ay nagbigay ng P1,518.

Maganda rin ang ibinigay sa Daily Double ga­ling sa Race 4 kahit na Oustanding Favorite ang na­nalong kabayo na Tagpuan dahil P182 pa ang ibi­nigay kada ticket na may kumbinasyong 4-4.

Sa Daily Double naman kabit sa nanalong ka­bayo na Art’s Angel sa Race 6 ay nagbigay ng tamang P270 sa isang ticket o kada limang pisong taya na may kumbinasyon na 4-6.

Masaya naman ang tumama sa Winner Take-All at Pick-6 dahil P171,383.20 ang ibinigay sa WTA, habang P110,943 ang naging dibidendo sa Pick-6 nang masusuwerteng karerista.

DIAMOND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with