^

PM Sports

Nietes handa sa giyera

Russell Cadayona - Pang-masa
Nietes handa sa giyera
Sina Donnie ‘Ahas’ Nietes (kaliwa) at ‘Mighty’ Aston Palicte (kanan) sa final presser kahapon.

Lalabanan si Palicte para sa super flyweight title

MANILA, Philippines — Itataya ni Filipino world three-division champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang kanyang 33-fight winning streak sa pagsagupa sa kapwa Pinoy na si ‘Mighty’ Aston Palicte para sa bakanteng World Boxing Organization super flyweight crown sa ‘SuperFly 3’ sa The Forum sa Los Angeles, California.

Hangad ng 36-anyos na si Nietes ang kanyang ikaapat na korona sa apat na weight division sa pagharap sa 27-anyos na si Palicte bukas (Manila time).

“Winning the world title will put me at the level of Manny Pacquiao and Nonito Donaire and will add worldwide recognition to my career,” sabi ng tubong Murcia, Negros Occidental.

Dadalhin ni Nietes ang kanyang 41-1-4 win-loss-draw ring record kasama ang 23 knockouts, habang taglay ng pambato ng Bago City na si Palicte ang 24-2-0 (20 KOs) card.

Ang bakbakan nina Nietes at Palicte ang ikatlong pagkakataon na mag-aagawan ang dalawang Filipino fighters para sa world boxing title.

Noong 1925 ay binigo ni world flyweight king Pancho Villa, miyembro ng International Boxing Hall of Fame, ang kanyang korona via unanimous 15-round decision win laban kay Clever Sencio sa Manila.

Samantala, noon namang Mayo 26 ay tinalo ni Jerwin Ancajas si mandatory challenger Jonas Sultan ng Cebu para mapanatiling hawak ang International Boxing Federation flyweight title sa Fresno, California.

“We are both here to do a job, and no matter what happens we will still be friends after the fight,” wika ni Palicte.

Mapapanood ang naturang ‘SuperFly3’ event sa ABS-CBN S+A.

Maaaring mapanood nang LIVE ang kanilang la­ban sa SKY Sports PPV sa halagang P99, tu­mawag lang sa 418 0000, pumunta sa opisina ng SKY o bisitahin ang www.mysky.com/pacman para mag-subscribe.

Magkakaroon ng re­play ang laban ng dalawang Pinoy boxers sa Lu­­nes at sa Biyernes ng alas-7 ng gabi.

 

vuukle comment

NIETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with