^
Lalaro na ba si Iguodala?

Lalaro na ba si Iguodala?

(Pang-masa) - June 6, 2018 - 12:00am

OAKLAND, California - Wala nang sakit na nararamdaman si Golden State Warriors forward Andre Iguodala matapos niyang makumpleto ang isang individual workout.

Ngunit wala pang kasiguruhan kung maaari nang isama si Iguodala sa active roster ng Golden State para sa Game Three ng NBA Finals sa Cleveland nitong Huwebes (Manila time).

Kumaripas si Iguodala nang walang anumang naramdamang sakit at maaaring ikonsidera ni head coach Steve Kerr na maglaro sa NBA Finals.

“I am to play in Game 3, but I’ve aimed to play in Game 2 and Game 3. We’ll just have to see,” wika ni Iguodala sa ESPN.

Si Iguodala ay nagkaroon ng bone bruise sa kanyang kaliwang tuhod sa Game Three ng Western Conference finals at hindi na nakita sa huling anim na laban ng Warriors.

Ayon kay Kerr, matapos ang Game Two, naniniwala ang Golden State na makakalaro na si Iguodala “at some point in this series. He has gotten better gradually, but there’s no way of knowing for sure at this point,” aniya.

ANDRE IGUODALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with