Muntinlupa gusting maitabla ang serye
Francisco Cagape (Pang-masa) - April 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Matapos biguin ang Batangas Athletics na walisin ang best-of-five championship series, ibubuhos ng Muntinlupa Cagers ang buong puwer-sa sa kanilang muling pagtatagpo sa Game Four ngayon ng 2018 Mahar-lika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup sa Muntinlupa City Sports Complex.

Bumawi ang Muntinlupa Cagers  noong Martes, 82-77 para ibaba ang bentahe ng Batangas sa serye sa 1-2 at makakuha ng tsansang makatabla sa muli nilang paghaharap sa homecourt ng Cagers.

Kung magkakaroon pa ng deciding fifth game, ay gagawin ito sa homecourt ng Athletics kung saan tiyak na dadagsa ang mga Batangueño para makuha ang mahigit Php 1 million top prize at 24-inch trophy mula kay MPBL founder Sen. Manny Pacquiao.

Ang runner-up naman ay tatanggap ng Php 500,000 cash prize mula rin sa 8-division world boxing champion Pacquiao.

Tumipak si Allan Ma-ngahas ng 23 puntos na may kasamang walong assists at dalawang steals habang si Pari Llagas ay umani ng 19 puntos, anim na rebounds, limang assists at dalawang steals upang mapanatiling buhay ang pag-asa ng Cagers.

Binuhay nina Ma-ngahas, Dave Moralde at Llagas ang pag-asa sa pamamagitan ng 19-3 kalamangan sa kalagitnaan ng unang yugto.

Sa tulong ng dominanteng pro-crowd, hindi na binitiwan pa ng Ca-gers ang bentahe at ang pinakamalapit na nagawa ng Batangas ay 66-77. ‘Yun na lang ang huling hirit ng Batangas dahil rumaratsada rin si Chito Jaime ng sunud-sunod na puntos para ilayo uli ang home team.

Umiskor din sina Moralde at Jaime ng tig-10 puntos bawat isa para sa tropa ni coach Aldrin Morante.

MUNTINLUPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with