Makati pang-16th member team ng MPBL
(Pang-masa) - April 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Abot na sa 16-koponan ang miyembro ng Mahar-lika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagpasok ng pinakabagong member team na Makati.

Pormal na tinanggap ng MPBL family nitong Martes ang Makati bilang ikaanim na expansion team ng lumalaking regional basketball league.

 Nagpirmahan ng kontrata ang MPBL officials sa pangunguna ni commissioner Kenneth Duremdes kasama sina assistant commissioner Satar Macantal at operations head Zaldy Realubit at ang mga Makati team owners na sina Paolo Orbeta at Paolo Pineda kasama si team manager Martin Arenas.

 Ayon kay Arenas, nais ng Makati na bumuo ng team na puro taga-Makati na palalakasin ng 5-ex-pros.

Magkakaroon sila ng pa-tryouts sa Barangay San Isidro at sa Makati Sports Complex mula alas-12 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Tatayong coach ng Makati si Cholo Villanueva, dating player ng La Salle na naging assistant coach ni Franz Pumaren sa GlobalPort Batang Pier sa PBA.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with