Lowry napilayan
(Pang-masa) - May 5, 2017 - 12:00am

CLEVELAND - Nagkaroon si Toronto Raptors star guard Kyle Lowry ng pilay sa left ankle o bukung-bukong sa Game Two ng kanilang semifinals series ng Cavaliers.

Gumulong si Lowry sa sahig hawak ang kanyang kaliwang binti sa unang minuto ng ikatlong quarter.

Nanatili siya sa ilalim ng basket bago tinulungang makatayo at akayin papunta sa Raptors’ locker room.

Nagbalik siya matapos ang ilang minuto at naglaro sa third period kung saan tinambakan ng Cavaliers ang Raptors ng 30 points.

Nagdesisyon si Toronto coach Dwane Casey na ipahinga na lamang si Lowry para maihanda sa Game Three.

Tumapos si Lowry na may 20 points at 5 assists sa loob ng 29 minuto.

Hindi siya nakita sa 21 games sa regular season matapos ang isang right wrist surgery.

KYLE LOWRY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with