^

PM Sports

Blackwater hihirit ng pag-asa

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nalagay na sa balag ng alanganin ay pipilitin pa rin ng Blackwater na makasilip ng tsansa sa eight-team quarterfinals cast.

Lalabanan ng Elite ang minamalas na NLEX Road Warriors ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang pagtutuos ng Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi sa pagbabalik ng aksyon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Taglay ng Blackwater ang delikadong 1-6 kartada kasunod ang Mahindra (1-7) at NLEX (0-7).

“We will play our very best to get a win and boost our chances of making it to the playoffs,” sabi ni Elite head coach Leo Isaac sa kanilang pagharap sa Road Warriors ni mentor Yeng Guiao.

Nasa two-game losing skid ang Blackwater, ang huli ay nang matalo sa Star, 98-96, noong Abril 22.

Nanggaling naman ang NLEX sa 92-101 pagyu-kod sa Barangay Ginebra noong Abril 19 kung saan nagtayo sila ng 11-point lead bago nalugmok sa 29-point deficit.

Muling sasandig ang Elite kina import Greg Smith, Niño ‘KG’ Canaleta, John Pinto, James Sena, Ronjay Buenafe at Kyle Pascual katapat sina PBA Best Import Wayne Chism, Carlo Lastimosa, Kevin Alas, Sean Anthony at Rabeh Al-Hussaini.

Sa ikalawang laro, asam ng Meralco ang ikatlong sunod na ratsada laban sa Phoenix.

MAHINDRA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with