Magdedesisyon na si Manny
(Pang-masa) - February 23, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magdedesisyon na si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao bago ihayag anumang araw kung sino ang kanyang lalabanan at kung saan ito gagawin.

“Maybe the end of next week we’ll have a statement,” sabi kahapon ni Mike Koncz, ang personal adviser ni Pacquiao.

 Ito lamang ang masasabi sa ngayon ni Koncz sa gitna ng mga napaulat na kagustuhan ni Pacquiao na labanan si Bri-tish star Amir Khan sa United Kingdom sa Abril.

Bago ito ay ikinunsidera ang Brisbane kasunod ang United Arab Emirates sa magiging ve-nue ng laban ni Pacquiao ngayong 2017 makaraang dominahin si Jessie Vargas noong Nobyembre.

Kung sa Abril 23 ang petsa ng laban ni Pacquiao ay may dalawang buwan pa ang 38-anyos na Filipino boxing icon para paghandaan ang sinuman kina Khan, Australian Jeff Horn o iba pa.

Kamakailan ay sinasabing makakakuha si Pacquiao ng guaranteed $38 million prize sa kanyang susunod na laban.

Kung totoo ito ay ituturing ang $38 milyon bilang ikalawang pinakamalaking premyong matatanggap ni Pacquiao matapos ang napaulat na $120 milyong nakuha niya sa pagsagupa kay Floyd Mayweather noong 2015.

Sa kanyang panalo laban kay Vargas ay nagbulsa si Pacquiao ng humigit-kumulang sa $5 milyon.

Kinumpirma ni promoter Bob Arum na ina-lok si Pacquiao ng sinasabing ‘insane amount’ ng isang grupo sa UAE.

 Sa mga web reports ay sinabing tiyak nang si Khan ang haharapin ni Pacquiao at hindi si Horn.

“No comment at the time regarding Manny’s next fight,” wika ni Koncz.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with