San Juan Mayor’s Cup opening
MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang pagbubukas ng ika-39 na pagdaraos ng San Juan Mayor’s Cup noong Linggo ng hapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan na makikita sa larawan. Dumalo sa opening ng torneo ang ilang mga manlalaro ng PBA sa pangunguna nina June Mar Fajardo at Alex Cabagnot ng San Miguel Beer, Mark Barroca at Allein Maliksi ng Purefoods Star, Stanley Pringle at Terrence Romeo ng Globalport, Rome de la Rosa ng Alaska, Baser Amer ng Meralco at Jonas Villanueva at Kevin Alas ng North Luzon Expressway. Nanguna sina San Juan Mayor Guia Gomez at Senador JV Ejercito sa opening ceremonies habang napili bilang Best Muse ang aktres na si Bettina Carlos ng Barangay San Perfecto.
- Latest

















