Donaire vs bedak sa Big Dome sa Abril
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Opisyal nang inihayag kahapon ng Top Rank Promotions ang pagdedepensa ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. para sa kanyang hawak na world super bantamweight crown.

Itataya ni Donaire ang kanyang bitbit na World Boxing Organization super bantamweight crown laban kay Zsolt Bedak ng Hungary sa Abril 23 sa Smart Araneta Coliseum.

“t’s a great opportunity for Nonito to defend his world championship in his homeland against a world-ranked and extremely capable op­ponent,” wika ni Carl Mo­retti ng Top Rank sa Do­naire-Bedak cham-pion­ship fight na isasaere ng ABS-CBN.

Muling nakamit ni Donaire ang bakanteng WBO title matapos lusutan si Cesar Juarez sa pamamagitan ng una­nimous decision win no­ong Disyembre 11 sa Puerto Rico.

Tinanggal ng WBO ang titulo kay Cuban Guillermo Rigondeaux na nauna nang tumalo kay Do­naire.

Ang WBO super bantamweight belt ay nakuha ni Donaire matapos ta-lunin si Wilfredo Vazquez Jr. noong 2012 sa San Antonio, Texas.

Ang unanimous decision win ni Donaire kay Juarez ang muling nag­bigay sa tubong Talibon, Bohol ng nasabing 122-pound crown.

Naghari ang 33-anyos na si Donaire (36-3-0, 23 KOs) sa flyweight, ban­tam­weight, super bantamweight at featherweight di­visions.

Matapos maisuko ang dating hawak na fea­ther­weight title via sixth-round knockout kay Ni­cholas Walters ng Jamaica noong Oktubre ng 2014 ay muling bumaba si Donaire sa super bantamweight division.

Tatlong sunod na pa-na­lo ang itinala ni Donaire sa kanyang pagbabalik sa naturang dibisyon.

Ang 32-anyos na si Bedak (25-1-0, 8 KOs), ay nasa isang 10-fight winning streak matapos ma­tikman ang kauna-una­han niyang pagkatalo kay Vasquez noong 2010.

ACIRC ANG BEDAK CARL MO CESAR JUAREZ CUBAN GUILLERMO RIGONDEAUX DONAIRE FILIPINO FLASH NONITO PUERTO RICO SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with