Galang ipaparada ng La Salle
(Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Muling matutunghayan ang paglalaro ni Ara Ga­lang para sa De La Salle sa pagsagupa sa Far Eastern University sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Philsports Arena.

Ibabandera ng Lady Spikers si Galang kontra sa La­dy Tamaraws ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng UST Tigresses at Adamson Lady Falcons sa alas-2.

Si Galang ay nagkaroon ng knee injury sa semifi­nal round ng UAAP 11 buwan na ang nakakalipas.

Makakatuwang ni Galang para sa Lady Spikers si­na Kim Dy, Cyd Demecillo, libero Dawn Macandili at setter Kim Fajardo.

Sumabak ang La Salle sa club league at ipinarada sina Mika Reyes, Majoy Baron at Christine Soyud.

Itatapat naman ng Lady Tamaraws sina setter Gyzelle Sy, Bernadeth Pons, Remy Palma, Jerilli Malaba­nan, Toni Rose Basas at rookie Carly Hernandez.

Sa men’s division, lalabanan ng La Salle ang University of the East sa alas-10 ng umaga matapos ang laro ng National University at Adamson sa alas-8.

ACIRC ADAMSON LADY FALCONS ARA GA BERNADETH PONS CARLY HERNANDEZ CHRISTINE SOYUD CYD DEMECILLO DAWN MACANDILI DE LA SALLE LA SALLE LADY SPIKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with