EAC vs Perpetual para sa NCAA Men’s volley title
(Pang-masa) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Muling magkikita ang defending champion Emilio Aguinaldo College at Perpetual Help sa huling pagkakataon para pag-agawan ang men’s volleyball title sa 91st NCAA volleyball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kinuha ng Altas ang 20-25, 25-21, 25-20, 25-19 panalo sa Game Two noong Biyernes para itabla sa 1-1 ang kanilang championship series ng Generals at itakda ang Game Three sa ganap na alas-2 ng hapon.

Si Rey Taneo, Jr. ang muling babandera sa atake ng Altas makaraang humataw ng team-best 16 hits kasama ang 13 kills, habang nagtala si six-footer Ranidean Philipe Abcede ng apat sa kabuuang 11 blocks ng koponan.

“Everything will rely on how our defense holds. If we can play like the way we did in Game Two, we’ll have a chance,” sabi ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar, may 10 men’s, 8 juniors at 3 women’s crowns sa kanyang paggiya sa Las Piñas-based school.

Ang matibay na depensa ng Altas ang nagpahirap kay reigning league MVP Howard Mojica ng Gene-rals sa iniskor na 22 points.

Nauna nang nagbida si Mojica sa 22-25, 25-14, 14-25, 16-25 tagumpay ng EAC sa Game One.

Sa women’s play, tatargetin naman ng St. Benilde ang korona sa muling pagsagupa sa San Sebastian sa alas-4 ng hapon.

Kinuha ng Lady Bla-zers ang 25-23, 21-25, 25-22, 25-16 panalo laban sa Lady Stags para makalapit sa kauna-unahan nilang titulo.

Ang panalo sa San Sebastian ang pang-apat na sunod ng St. Benilde matapos ang elimination round.

“This is our chance to win a championship so we might as well go for it,” sabi ni Lady Blazers’ mentor Michael Cariño.

Sa kabiguan sa Game One ay humataw si MVP Grethcel Soltones ng game-best 27 points para sa Lady Stags.

“We need to play as a team,” sabi ni San Sebastian coach Roger Gorayeb, iginiya ang Lady Stags sa elimination round sweep bago natalo ng dalawang sunod sa St. Benilde.

ACIRC ALTAS ANG ATILDE EMILIO AGUINALDO COLLEGE GAME ONE GAME TWO LADY STAGS PERPETUAL HELP SAN SEBASTIAN ST. BENILDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with