‘Di kontento si June Mar
RCadayona (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kung siya lamang ang masusunod ay mas gusto ni June Mar Fajardo na maglaro para matulungan ang San Miguel sa best--of-seven championship series laban sa Alaska.

“Masaya ako pero siyempre mas gusto kong makalaro ako sa finals para makatulong ako sa team na manalo ng championship. Mas maganda kapag mag-champion kami kasi happy kami lahat,” wika ni Fajardo matapos makamit ang Best Player of the Conference ng 2016 PBA Philippne Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito ang unang pagkakataon na nagpakita si Fajardo matapos magkaroon ng hyperextended left knee injury sa Game Six ng semifinals series ng Beermen at Rain or Shine Elasto Painters.

Ayon kay San Miguel coach Leo Austria, hindi niya isusugal ang PBA career ni Fajardo kaya nagdesisyon siyang tuluyan nang hindi gamitin sa kanilang serye ng Alaska ang Cebuano giant.

“Iniisip ko talagang makalaro sa championship. Sinasabihan ako nila coach (Austria) na kung hindi ko pa kaya, huwag ko na lang pilitin kasi baka lumala pa. Pinaliwanag nila ‘yung mga scenario,” sabi ni Fajardo.

Humakot si Fajardo ng 1,407 points mula sa statistics, media votes, players votes at PBA Office kasunod sina Greg Slaughter (803) ng Ginebra, Asi Taulava (496) at Sean Anthony (473) ng NLEX at Willy Wilson (449) ng Barako Bull.

Nagposte ang 6-foot-10 na si Fajardo ng mga average league-highs na 26 points, 14.9 rebounds, at 2.2 blocks per game para angkinin ang BPC trophy na siya niyang ikaapat sa nakaraang pitong PBA conferences.

“Siyempre happy ako kasi ako ‘yung nanalo,” wika ng 26-anyos na Cebuano superstar. “Ano-ther achievement ito para sa akin.”

Kumpiyansa si Fajar-do na makakabalik siya sa darating na PBA Commissioner’s Cup para makatulong sa kampanya ng San Miguel.

“Siyempre gusto kong bumawi. Gusto kong makalaro ulit sa Finals dahil pinaghandaan namin ng team ito ng husto,” ani Fajardo.

ACIRC ANG ASI TAULAVA BARAKO BULL BEST PLAYER OF THE CONFERENCE CEBUANO FAJARDO GAME SIX GREG SLAUGHTER JUNE MAR FAJARDO SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with