3-Pinoy netters isa-isang nasibak
(Pang-masa) - January 19, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isa-isang bumagsak ang mga Filipino bets na sina AJ Lim, Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon laban sa mga dayuhang kalaban sa opening round ng $75,000 ATP Challenger Philippine Open sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Unang nasibak si Lim, isa sa apat na Filipino wild card entries dito matapos mabigo kay unseeded French netter na si David Guez, 4-6, 0-6 noong Lunes ng gabi sa torneong sponsored ng Phl Sports Commission, Phl Tennis Association at Cebuana Lhuillier ni Jean Henri Lhuillier.

Sumunod na nasibak sina Alcantara at Patrombon matapos yumukod kina World No. 207 Amir Weintraub ng Israel at fifth seed Kimer Coppejans ng Belgium via 1-6, 3-6 at 2-6, 2-6 kabiguan, ayon sa pagkakasunod.

Dahil dito, tanging si Ruben Gonzales na lang ang natitirang Filipino bet na kasalukuyang nakasalang sa kanyang opening round match kontra kay Dutch Igor Sijsling habang sinusulat ang balitang ito.

Umusad naman sina top seed Luca Vanni ng Italy na dumurog kay Frederico Ferrerira Silva ng Portugal, 6-3, 6-2 at veteran Davis Cupper Go Soeda ng Japan, na nakaligtas kay Roberto Marcora ng Italy, 7-6 (4), 6-1.

Bumangon naman si Spaniard Oriol Roca Batalla para silatin si eighth pick Somdev Devvarman ng India, 7-5, 6-7 (0), 7-6 (4), para umusad sa round-of-16.

AMIR WEINTRAUB CEBUANA LHUILLIER CHALLENGER PHILIPPINE OPEN DAVID GUEZ DAVIS CUPPER GO SOEDA DUTCH IGOR SIJSLING FRANCIS CASEY ALCANTARA FREDERICO FERRERIRA SILVA JEAN HENRI LHUILLIER JESON PATROMBON KIMER COPPEJANS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with