Batang Gilas tryouts

MANILA, Philippines – Para makabawi sa fifth-place finish noong 2014, maagang preparas-yon ang gagawin ng Phi-lippine Batang Gilas para sa U18 Southeast Asia Basketball (SEABA) Championship at sa U18 FIBA Asia tournament sa 2016.

Inihayag ni Phl Team manager Andrew Teh na magkakaroon ng tryout sa Dec. 18-20 sa Meralco Gym sa Pasig na panga-ngasiwaan ni head coach Michael Oliver

Sisimulan sa alas-8:00 ng umaga ang try out sa Dec. 18 para sa mga  players na ipinanganak ng January hangang April para sa taong 1998 at 1999.

Para naman sa mga aspirants na ipinanganak ng May hanggang August ng taong 1998 at 1999 ang tryout ay alas- 5 ng gabi sa Dec. 19.

Ang huling araw ng tryout para sa mga players na ipinanganak ng September hanggang December ng 1998 at 1999 ay sisimulan ng alas-4:00 ng hapon sa Dec. 20.

Ayon kay Teh ang mga nais makibahagi sa tryout ay kailangang magdala ng authenticated (NSO) birth certificate kapag nagpa-register.

Show comments