^

Holm handa sa rematch kay Rousey

(Pang-masa) - November 19, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi makakalimutan ni Holly Holm, ang ba­gong UFC bantamweight champion, ang sinabi sa kanya ni Ronda Rousey bago ang kanilang laban noong nakaraang Linggo sa UFC 193 sa Australia.

Tinawag ni Rousey si Holm na “fake” dahil pag­kukunwari lamang ang pagpapakita ng dating women boxing champion ng kabaitan.

Ngunit ayon kay Holm, hindi niya ikinasisiya ang panggugulpi sa kanyang mga kalaban.

“Everytime I land a punch it’s satisfying because I know that I’m on top,” sabi ni Holm apat na araw matapos niyang agawin kay Rousey ang da­ting suot nitong korona.

“It’s not like, I hurt someone, I’ts like instant gra­tification of a bit of an accomplishment,” dagdag pa nito.

Sinabi din ng 34-anyos na si Holm, kasaluku­yang may 11-0 record, na paghahandaan niya ang pagbabalik ni Rousey para sa kanilang rematch.

“If she wants the rematch and they put it together, you’ve always got to give the rematch. That’s just the way it goes,” sabi ni Holm kay Rousey.

Sa kanyang boxing career ay nakalasap din ng ka­biguan si Holm at nabigyan ng rematch ng kanyang kalaban.

Kaya naman bibigyan niya ng rematch ang 28-anyos na si Rousey.

“I’ve been on the other end of it before. I’ve been knocked out and I got to be able to get a rematch and avenge my loss... and if you’re a real champion, you’re going to do that, you’re going to give them the rematch,” wika ni Holm.

Handa si Holm sa anumang bagong istilong ga­gamitin ni Rousey sa kanilang ikalawang pagta­tagpo sakaling maitakda ito ni UFC president Da­na White.

“Of course, I’m going to train even harder and better for the next fight ‘cause I know she’ll be co­ming back swinging,” ani Holm sa gagawin niyang preparasyon sa rematch kay Rousey.

ACIRC ANG EVERYTIME I HANDA HOLLY HOLM HOLM KAYA REMATCH RONDA ROUSEY ROUSEY SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with