Twice-to-beat na ang UST Tigers
(Pang-masa) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Inokupahan na ng UST Tigers ang unang twice-to-beat advantage sa Final Four nang pabagsakin ang Adamson Falcons, 78-63 sa 78th UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Binuksan ng Tigers ang labanan tangan ang 12-0 run pero sa ikatlong yugto, tuluyang iniwan ang Falcons para tapusin ang kampanya sa double-round elimination bitbit ang 11-3 karta.

May 25 puntos si Kevin Ferrer at 19 rito ay kinamada sa second half.

Inangkin din niya ang unang 12 puntos ng Tigers sa ikatlong yugto upang ang anim na puntos na kalamangan (37-31) ay lumobo sa 49-33 bentahe.

Humablot pa ang 6’4” forward ng 10 rebounds bukod sa tig-dalawang assists at steals habang sina Louie Vigil at Ed Daquioag ay may 15 at 11 puntos.

“Mahalaga ito sa amin. Dito kami kukuha ng kumpiyansa para sa Final Four,” wika ni Ferrer na may  9-of-14 shooting, kasama ang 4-of-8 sa 3-point line.

Hindi pumasok sa Final Four noong nakaraang taon, puwede pang ma-ging number one ang UST kung matalo sa hu-ling dalawang laro ang FEU Tamaraws.

Si Papi Sarr ay may 12 puntos at 11 rebounds para sa Falcons na opisyal na tinapos ang kampanya bitbit ang 3-11 baraha.

Nanatili namang palaban ang LaSalle Archers sa Final 4 matapos ang 72-68 panalo sa UP Maroons sa ikalawang laro. (AT)

 

UST 78 – Ferrer 25, Vigil 15, Daquioag 11, Abdul 9, Lao 6, Bonleon 5, Faundo 4, Lee 3, Abdurasad 0, Arana 0, Caunan 0, Garrido 0, Huang 0, Sheriff 0, Suarez 0, Subido 0.

AdU 63 – Sarr 12, Capote 10, Ochea 9, Nalos 8, Tungcab 8, Polican 5, Fernandez 4, J. Garcia 3, Villanueva 2, Bernardo 1, Margallo 1, Escalambre 0, C. Garcia 0, Miranda 0.

Quarterscores: 21-14, 37-26, 57-44, 78-63.

DLSU 72 – Teng 20, Rivero 18, Torres 11, Torralba 8, Caracut 7, Perkins 4, Langston 2, Muyang 2, Go 0.

UP 68 – Manuel 15, Moralde 14, Desiderio 10, Dario 9, Longa 8, Amar 6, Gallarza 2, Kone 2, Vito 2, Harris 0, Jaboneta 0, Juruena 0, Lim 0.

Quarterscores: 19-6, 27-26, 49-52, 72-68.

ACIRC ADAMSON FALCONS ANG ED DAQUIOAG FINAL FOUR GARCIA KEVIN FERRER LOUIE VIGIL QUARTERSCORES SI PAPI SARR STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with