DLSU Spikers o NCBA?

MANILA, Philippines - Isa lamang sa La Salle Archers at NCBA Wildcats ang mananatiling palaban sa Spikers’ Turf Collegiate Conference.

Sa ganap na ika-5 ng hapon sa The Arena sa San Juan City ay magkikita sa huling pagkaka-taon ang Archers at Wildcats para madetermina kung sino sa kanila ang kukuha sa ikaapat at hu-ling upuan sa semifinals.

Nagkaroon ng playoff nang matalo ang Wildcats sa talsik nang UP Maroons sa limang sets noong Miyerkules.

Kung nagwagi ang Wildcats ay nakumpleto na sana ang maglalaro sa semis sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera dahil naunang yumuko ang Archers sa Emilio Aguinaldo College Gene-rals sa apat na sets.

Nagwagi ang Wildcats sa Archers sa kanilang pagkikita noong Agosto 19, 25-27, 22-25, 25-22, 25-23, 15-9.

Pero dahil sa kahalagahan ng makukuhang panalo ay tiyak na naghanda nang husto ang La Salle upang manatiling nakatuon sa titulo sa liga.

Ang playoff ay naunang inilagay sa Lunes pero binago ito ng Sports Vision at minabuting simulan na lamang ang best-of-three semifinals sa Setyembre 7.

Ang mananalo sa NCBA at La Salle ang siyang makakalaro ng walang talong Ateneo Eagles habang ang National University Bulldogs  at Generals ang magtutuos sa isang Final Four.

Show comments