Karera, ISAA pag-uusapan sa PSA Forum ngayon

MANILA, Philippines – Pag-uusapan ngayon ang 7th Mayor Bagatsing racing festival at ang bagong season ng Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na lingguhang ginaganap sa Shakey’s Malate.

Pangungunahan ng lawyer at horseowner na si Ramon D. Bagatsing Jr. ang panel na tatalakay ng taunang horse racing meet na idinaraos bilang pag-alala sa yumao nang dating Manila mayor na si Ramon Bagatsing.

Makakasama ng mga opisyal ng karera sa session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 sa paghahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s, at Philippine Amusement and Gaming Corp., ang mga opisyal naman ng ISAA sa pangunguna ni Melanie Florentino ng Feati para talakayin ang kanilang nalalapit na season na magsisimula sa Aug. 12.

Hinihiling ni PSA President Riera Mallari ng The Standard  na dumalo sa  alas-10:30 ng umagang public sports program.

Show comments