Mas exciting ang PSL ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang mas lalo pang magniningning ang Philippine SuperLiga (PSL) sa pagparada nina Amanda Villanueva ng Adamson, Angeli Araneta ng University of the Philippines, Pam Lastimosa ng University of Santo Tomas at Denden Lazaro ng Ateneo de Manila bilang mga top candidates para sa Annual PSL Draft sa Marso 11.

Bubuksan ang tanging inter-club volleyball league sa bansa sa pamamagitan ng two-day draft camp sa Marso 6 at 7 kasunod ang Annual PSL Draft.

Hahataw naman ang PSL All-Filipino Conference sa Marso 21 tampok ang mga nagbabalik na koponan ng Petron, Foton, Philips Gold (dating Mane ‘N Tail) at Cignal laban sa dalawa hanggang apat na expansion teams.

Samantala, magdaraos ang PSL ng beach volleyball tournament bukod pa sa pamamahala sa isang Asian level tournament ayon kay PSL president Ramon “Tats” Suzara para sa kanilang programa nga-yong 2015 -- isang Battle of the Champions at ang Asian U23 Women’s Championship.

Pansamantalang ititigil ang torneo sa Mayo 1 hanggang 9 para sa Asian U23 Women’s Championship.

Magtatapos ang All-Filipino Conference sa Mayo 31 na susundan ng PSL Beach Volley Summer Challenge Cup sa Hunyo 5-7 sa sand court ng SM Mall of Asia. Idaraos din ang Women’s Champions League.

Show comments