^

Pinoy Pride 27: Duel in Dubai ngayon

(Pang-masa) - September 6, 2014 - 12:00am

DUBAI - Sa isang maningning at makasaysayang yugto sa Philippine sports, idaraos ng ALA Promotions sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng global network nitong TFC (The Filipino Channel) ang unang major event sa labas ng Pilipinas.

Tinawag na ‘Duel in Dubai’, ang ika-27 sequel ng popular na Pinoy Pride series ay babanderahan nina undefeated ALA boxers Genesis ‘Azukal’ Servania at ‘King’ Arthur Villanueva at ang nagbabalik na si Rey “Boom Boom’ Bautista laban sa mga top-caliber opponents buhat sa Mexico at Nicaragua.

 Lalabanan ni Servania, may malinis na 24-0-0 record kasama ang 10KOs, sa main event ng blockbuster show na magsisimula ngayong alas-11 ng gabi (Manila time) sa Dubai World Trade Center.

Itataya ng fighting  pride ng Bacolod City ang kanyang WBO Intercontinental super bantamweight crown laban kay Mexican ‘Matador’ Jose Cabrera sa isang 12-round bout.

“Malaking opportunity para sa akin ang laban nato kaya kailangan na ibagay ang todo para sa lahat ng mga Pilipino na nandito,” wika ni Servania, tumimbang ng 121.4 pounds kumpara sa 122 ni Cabrera.

Ilan sa mga kampeong nakalaban ni Cabrera ay sina Tomas Rojas, Omar Andres Narvaez at Manuel ‘Chango’ Vargas.

Nagdadala si Cabrera ng 22-4-0 (10KOs) card.

Itataya naman ni Villanueva ang kanyang IBF International super flyweight belt kontra kay Henry “El Crespo” Maldonado ng Nicaragua.

Samantala, sasagupain naman ni Bautista si Juan Jose ‘Piquet’ Martinez, ang WBC Mundio Hispo jr lightweight titlist.

ARTHUR VILLANUEVA BACOLOD CITY BAUTISTA BOOM BOOM CABRERA DUBAI WORLD TRADE CENTER EL CRESPO FILIPINO CHANNEL SERVANIA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with