UAAP Juniors volleyball Jr. Warriors malinis pa rin

MANILA, Philippines - Humugot ang reigning boys champion University of the East (UE) ng magkakasunod na straight-sets panalo nitong weekend para manatiling malinis sa UAAP Season 77 high school volleyball tournament sa Adamson University Gym.

Tinalo ng Junior Warriors, kampeon ng dibisyon nitong huling 10 seasons, ang De La Salle-Zobel, 25-12, 25-18, 25-17, noong Sabado at ang tournament newcomer na Far Eastern University-Diliman, 25-17, 25-7, 25-13 kahapon.

Sinamahan ng runner-up na National University ang UE sa pangunguna taglay ang 3-0 karta matapos igupo ang University of Santo Tomas, 24-26, 25-16, 25-22, 26-24 noong Sabado at UP Integrated School, 25-12, 25-16, 25-19 kahapon.

Ang dating walang talong Tiger Cubs ay bumagsak sa 2-1  para makatabla ang Ateneo sa third place. Ang Blue Eag-lets ay nanalo sa Junior Archers, 25-16, 25-16, 25-21 kahapon.

Naitala naman ng Baby Tamaraws ang kanilang unang panalo sa liga noong Sabado matapos igupo ang Junior Maroons, 25-19, 25-22, 26-24 para makatabla ang La Salle-Zobel  sa 1-3. Kulelat ang UPIS sa 0-4.

Sa girls play, tinalo ng titleholder UST ang Adamson University, 25-20, 25-21, 25-22, noong Sabado para sa kanilang ikalawang panalo habang nanaig din ang FEU-Diliman sa UPIS, 25-21, 24-26, 25-22, 25-13.

Show comments