Hagdang Bato paborito sa Presidential Gold Cup

MANILA, Philippines - Aasintahin ng Hagdang Bato ang panalo sa pi­nakamalaking karera ng ta­on sa pagtakbo sa 41st PCSO Presidential Gold Cup ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

May siyam na iba pang kabayo ang makakasu­katan ng Hagdang Bato at kung sakaling manalo pa ang kabayo, hindi mala­yong kilalanin muli ito bilang Horse of the Year sa ika­lawang sunod na taon.

Pinakamalaking paka­rera ito sa taon dahil nasa P4 milyon na ang prem­yong maiuuwi ng mana­nalong kabayo at ng horse ow­ner.

Ang papangalawa ay may P1 mil­yon, habang P500,000.00 ang papa­ngatlo at P300­,­000.00 ang pa­pang-apat.

Ang hahamon sa Hag­dang Bato na sasak­yan ni Jo­nathan Her­nandez ay ang Sulong Pinoy (CM Pi­lapil), Ba­sic Instinct (JA Gu­ce), Di­vine Eagle (MA Alvarez), Pugad Lawin (PR Di­lema), Royal Je­wels (DH Bor­be Jr), My Champ (FM Raquel Jr), Spring Collection (JB Gu­ce), Boss Jaden (JB Ba­caycay) at Arriba Amor (LD Balboa).

Show comments