Gortat kinuha ng Wizards

WASHINGTON — Nagpalakas sa front court ang Washington Wizards matapos kunin si center Marcin Gortat mula sa Phoenix Suns sa isang multiplayer trade.

Nakuha naman ng Phoenix si injured center Emeka Okafor at isang top-12-protected first-round draft pick sa 2014.

Dinala rin ng Suns sa Wizards sina guards Ken­dall Marshall, Shannon Brown at Malcolm Lee.

Ang tatlong players ay inaasahang pakakawalan na­man ng Wizards.

Ang 6-foot-11 at 240-pound na si Gortat at nag­pos­te ng mga averages na 11.1 points at 8.5 rebounds no­ong nakaraang season.

Maglalaro si Gortat sa kanyang pang walong NBA season matapos kumampanya sa Orlando, Toronto at Phoenix.

Show comments