Bulls ginamit ang option kina Knight at Henson

MILWAUKEE -- Ginamit ng Bucks ang kanilang contract options kina point guard Brandon Knight at forward John Henson, ayon sa pahayag ni general manager John Hammond.

Si Knight ay nakuha ng Milwaukee mula sa Detroit nitong offseason na nagdala kay Brandon Jennings sa Pistons.

Siya ang eighth overall pick ng Detroit noong 2011 draft at nagtala ng mga averages na 13.1 points, 3.9 assists at 3.2 rebounds.

Si Henson ay ang 14th overall pick ng Bucks sa nakaraang draft at naglista ng mga averages na 6.0 points at 4.7 rebounds sa kanyang rookie season.

May tatlo pang preseason games ang Bucks bago buksan ang regular season sa Oktubre 30 sa New York laban sa Knicks.

 

Show comments