May bagong kabanata ang NBA career ni White

MANILA, Philippines - Ang kwento ni Royce White ay nagbukas ng panibagong kabanata matapos mag-debut ang dating first round draft pick ng Rockets, para sa Sixers.

Bagama’t preseason game lang ito, first time ito ni White na makalaro sa NBA ngayong taon. Lumaro siya sa preseason noong nakaraang taon.

Nahirapan siya sa Houston sa kanyang rookie season dahil sa problema sa anxiety disorder na dahilan ng kanyang takot sa pagsakay ng eroplano.

Maliit lang  ang kanyang numero sa kanyang unang laro sa Sixers matapos magtala ng five points, three rebounds at five personal fouls sa loob lang ng 10 minutes sa court, ngunit ito na ang kanyang simula sa NBA.

 

Show comments