Si Almazan ang Player of the Week

MANILA, Philippines - Humakot si Raymond Almazan ng 22 points, 11 rebounds at 3 shotblocks para akayin ang Letran Knights sa 74-67 panalo  laban sa three-time champions na San Beda Red Lions noong Sabado sa elimination round ng 89th NCAA men’s basketball tournament.

Dahil dito, hinirang ang sentro ng Knights bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week  na iti­nataguyod ng Gatorade.

“Noong alam ko na magtatapat kami ng San Beda, ang mindset ko talaga ‘yung game last year (Finals). Gustung-gusto kong makabawi,” sabi ng 6-foot-8 na si Almazan.

Tinalo ni Almazan para sa Player of the Week ho­nor sina Perpetual Help teammates Juneric Baloria at Nosa Omorogbe.

Ngayong season, nagposte si Almazan, pamangkin ni PBA player Kerby Raymundo, ng mga averages na 14.1 points, 15.3 rebounds at 2.2 blocked shots per game.

Show comments