Bryant nailalakad na ang inoperahang paa

MANILA, Philippines -  Nailalakad na ni Kobe Bryant ang kanyang ino-perahang kaliwang paa makalipas ang tatlong linggo  mula nang maope-rahan  na ipinakita niya sa pamamagitan ng video sa internet na kuha mula sa ospital noong June 1.

Kung nakakalakad na si Kobe, ibig sabihin ay may tsansa itong makabalik bago magbukas ang 2013-14 season sa November.

Napunit ni Kobe ang kanyang Achilles noong ikalawang linggo ng April ngunit nangako siyang gagawin niya ang lahat para mapabilis ang kanyang recovery.

 

Show comments