Tenorio vs Abueva
Russell Cadayona (Pang-masa) - May 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isa lamang kina  LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Alaska rookie forward Calvin Abueva ang hihirangin bilang Best Player of the Conference ng 2013 PBA Commissioner’s Cup bukas ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagposte si Tenorio na may pinakamataas na statistical points total na 480 points, subalit hawak naman ni Abueva ang pinakamataas na SP average na 28.5 points mula sa kanyang 150 won-game bonus points.

Naglista si Tenorio ng 28.3 SPs a game mula sa kanyang mga averages na 13.8 points, 5.0 rebounds, 5.1 assists, 1.9 steals at 0.1 block para sa Gin Kings.

Sakaling manalo, maidadagdag ni Tenorio ang BPC award sa kanyang mga naunang 2010 Most Improved Player award, 2010 Mythical First Team citation, 2010 Fiesta Conference Finals co-MVP honors at 2010 Williams Jones Cup MVP trophy.

Humakot naman ang 6-foot-3 na si Abueva ng 401 total SP o average na 25.5 a game mula sa kanyang mga averages na 11.7 points, 8.9 rebounds, 1.3 assists, 0.7 steals at 0.7 blocks para sa Aces.

Kung makakamit ang BPC award, si Abueva ang magiging ikatlong rookie na nanalo ng BPC trophy matapos sina Eric Menk at Danny Seigle noong 1999.

Nasa ikatlong puwesto si GlobalPort scorer Gary David na may 26.0 kasunod sina JVee Casio (25.4) ng Alaska at 2013 Philippine Cup BPC winner Jayson Castro (25.2) ng Talk ‘N Text.

Naglalaban naman para sa Best Import award o ang ‘Bobby Parks Trophy’ sina  Rob Dozier ng Alaska at Vernon Macklin ng Ginebra.

Subalit ang bumabandera sa istatisko ay si Eric Dawson ng Meralco na naglista ng 53.9 SPs a game.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kaxsalukuyan pang naglalaban ang Alaska at Ginebra sa Game 2 ng kanilang best-of-five titular showdowbn kagabi sa Mall of Asia Arena.

Tangka ng Aces na makuha ang 2-0 bentahe sa serye matapos kunin ang Game 1 sa 87-70 iskor. 

 

ABUEVA BARANGAY GINEBRA BEST IMPORT BEST PLAYER OF THE CONFERENCE BOBBY PARKS TROPHY CALVIN ABUEVA DANNY SEIGLE ERIC DAWSON ERIC MENK TENORIO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with