Hunter nakipagkita sa bagong GM ng Suns

CHICAGO – Nakipagkita si Phoenix Suns general manager Ryan McDonough kay interim coach Lindsey Hunter para talakayin ang  head-coaching job  nitong Miyerkules, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.

Nagkita sina McDonough at Hunter sa Chicago.

Kasama ni McDonough na dumating ang front office staff ng Suns para sa NBA draft.

Ang meeting kay Hunter ang una para sa mga kandidato sa coaching position ni McDonough na umupo sa posisyon bilang general manager ng Suns noong May. Makikipagkita pa si McDonough sa ibang candidate coaches.

 

Show comments