Westbrook ooperahan sa tuhod ‘di sigurado kung makakabalik agad

MANILA, Philippines - Nagtamo si Oklahoma City point guard Russell Westbrook ng maliit na punit sa  cartilage sa kanyang kanang tuhod at ang operasyon na magaganap sa loob ng 48-hours ang tutukoy kung makakabalik pa ito bago matapos ang playoffs.

Napunit ang lateral meniscus ni Westbrook sa se-cond quarter ng Game 2 sa  first-round playoff series ng Thunder kontra sa Houston Rockets matapos tangkain ni Rockets guard Patrick Beverley na agawan ng bola si Westbrook na agad humingi ng timeout.

Sinasabing hindi naman malala ang meniscus tear na ayon sa source ay napakaliit lang kaya posibleng makarekober na si Westbrook ng ilang linggo lamang at hindi na aabutin ng ilang buwan sakaling magdesis-yon ang mga doctor na linisin ang meniscus.

Kung kailangan ng  full repair sa meniscus, nanga-ngahulugang tatlong buwang mawawala si Westbrook.

Show comments