1st round pick ng Rockets mas iniisip ang kalusugan

HOUSTON -- Mas pinahahalagahan ni Rockets first-round pick Royce White ang kanyang mental-health condition kumpara sa kanyang NBA career.

Ito ang inihayag ni White sa kanyang Twitter account.

Isang linggo nang hindi dumadalo si White, ang 16th overall pick ng Rockets sa 2012 draft, sa mga team practices ng Houston.

Tinawag din niya ang Rockets na ‘inconsistent’ hinggil sa ibinibigay na tulong sa kanyang anxiety issues at obsessive compulsive disorder.

Ayon sa ESPN report, makikipag-usap siya sa Ro­ckets sa Lunes para talakayin ang kanyang paglalaro.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni White  na “'I'm not PLANNING to quit, but if its between my HEALTH and BASKETBALL, health takes precedence.”

Sinabi naman ng Rockets na patuloy silang susuporta kay White.

 

Show comments