Zombie Family (379)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - March 13, 2020 - 12:00am

MAHAHABA at matutulis na ang mga daliri ni Leilani sa ilalim ng mesa. Handa nang tumusok.

Sa matigas nang bumbunan ng kanyang bagong boss.

Hindi siya mapalagay.

Itinatago niya sa ilalim ng mesa ang kanyang mga kamay para hindi makitang mga kamay na ang mga ito ng kampon ng demonyo.

Pero ang CEO ay talagang matalino.

Napansin kaagad na hindi napapagawi sa ibabaw ng mesa ang mga kamay ni Leilani.

“Something wrong?”

“None. Why?” Kinakabahan si Leilani.

“Hindi ka tuloy makakain ng dinner kasi ayaw mo namang ilapit ang mga kamay mo sa ibabaw ng mesa. Are you embarrassed? Mas gusto kong tingnan ang babaing matakaw. Kasi ang totoong maganda na tulad mo, kahit pa magkamay at malalaki ang subo … ganoon pa rin siya kaganda.”

KUNWARING natawa si Leilani, kahit kinakabahan, kaswal lang.

“I’m sorry, bad timing.”

“What’s wrong?”

“Aywan ko ba, siguro dahil hindi ang computer na pinagamit ninyo sa akin kanina, nag-activate ang allergy ko sa mga kamay. That’s why I’m hiding them kasi ang pangit tingnan. Pulangpula at namamaga.”

“What?”

“Yes, severe ang allergy ko sa mga kamay pero bihira lang sumusumpong. Pag sumumpong naman, kailangang itago because it’s not really nice to look at.”

“Ah, ganoon ba? So alangan namang ako lang ang kakain? Ipa-take out na lang natin ito.”

“Good idea, Sir.”

“Kailan naman mawawala ang allergy  na ‘yan?”

“Few hours, okay na ito. Kaya, Sir … puwede ho bang iwan n’yo na lang ako? Nau-awkward ako na makita ninyo, e. Ang pangit kasi talaga tingnan ng mga kamay ko pag ganitong may allergy.”

“Oh, yes. Pagbibigyan na kita. But be sure that you’ll be okay? Seryoso ako doon sa sinabi ko na ikaw na lang ang sekretarya ko. Pag lumitaw pa si Cynthia, ililipat ko na lang siya sa ibang department.”

Natuwa si Leilani, naramdaman niya kaagad na paliit nang paliit ang mga mahahaba niyang kuko.

ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with