^

Para Malibang

Asong ipinadala sa space may monumento sa Russia

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Ang aso na si Laika ang kauna-unahang hayop diumano na naipadala sa kalawakan. Pagkalipas ng 50 taon, isang monumento ang itinayo bilang alay sa kanyang katapangan. Matatagpuan ito malapit sa isang Moscow military facility.

Si Laika ay pagala-gala lamang sa kalsada noon nang mapili siya ng Russian space program para ikutin ang buong planeta. Napili siya sa dahil sa kanyang angking katalinuhan at hindi nga sila nagkamali.

Mabilis siyang nakakuha ng atensyon. Pinagsanay muna si Laika at ginawan ng space suit na para lamang sa kanya bago siya ini-launched noong November 3, 1957.

Ayon sa Russian go­vernment, pumanaw si Laika dahil sa kawalan ng oxygen, habang ang iba naman ay sinasabing planado ang ginawang pagpapatulog sa kanya. Hanggang sa taong 2002, nalaman ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay – overheating.

Oras lang daw ang pagitan simula nang siya ay i-launched, namatay siya ng walang kalaban-laban.

Hugis space rocket ang monumento ni Laika kung saan makikita siyang nakatayo sa gitna.

Madalas itong puntahan ng mga turista dahil na rin sa katulad nitong monumento ng aso namang si Hachiko sa Japan na naghintay ng matagal sa kanyang namayapang amo.

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with