Zombie Family (375)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - March 9, 2020 - 12:00am

MALINIS na malinis ang dalawang krimen ni Leilani. Walang bakas. Ang dalawang biktima ay nailigpit nang mabuti sa stockroom na nagawa pa niyang i-lock.

May kaswal mang mag-uusyoso o may kukunin, hindi ito mabubuksan kung walang susi.

 Hanggang sa may dumating.

Forties. Pero napa­kaguwapo pa rin. Halatang alaga ang physique. Ang mukha, may isa o dalawang gatla.

Pero mga gatlang hindi nakakapagpapangit. Kundi nakakapagdagdag pa nga ng karakter.

Attractive lalo na, mamahalin ang dating ng corporate look nito.

 “Where is my secretary? Alam mo ba?” Nang tumi­ngin kay Leilani hindi na ito marunong bumawi ng tingin.

Kita ang paghanga sa ganda ng flyng zombie na iba muna ngayon ang itsura.

“W-well … I have a visitor. Nagkita na ba kayo ng sekretarya ko? And you are?...”

“Leilani Dominador, Sir.”

“I hope na-entertain ka na ng aking sektarya. But where is she, may napansin kang magandang babae, maputi?”

 Ni hindi kumurap si Leilani nang sumagot. “Duma­ting na ho siya pero umalis din kaagad.”

Nagtaka ang boss. “And why did she do that? Alam niyang may maagang meeting ako today.”

“Sorry, Sir. Hindi ko po talaga alam.”

“Can I do something for you –“

“Yes, Sir. Nawalan ho akong bigla ng trabaho tapos na-snatch pa ang bag ko. Kaya hihingi sana ako ng referral kay … hmmmnn … Cynthia kasi magkakilala naman kami.”

“At basta ka iniwan? How rude. Mapagsabihan ko nga mamayang pagdating niya kung saan man siyang lupalop nagpunta.”

At binuksan na ni Jose ang office niya.

Disappointed pa rin nang matiyak na wala nga ang kanyang sekretarya sa place of work nito ngayon.

“Please come inside. Ako na lang ang kausapin mo.”

Nataranta si Leilani. “Yes, Sir.”

Naglaro sa isip ni Leilani, kakainin din kaya niya ang utak nitong guwapong boss?

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with