^

Zombie Family (369)

Gilda Olvidado (Pang-masa) - March 3, 2020 - 12:00am

NAKALABAS ng military camp si Leilani nang walang humarang o pumigil sa kanya.

Wala siyang alam na puntahan.

Nasunog na ang kanyang apartment.

At wala siyang pera. Kailangan magkaroon siya para mabuhay siya nang maayos.

Naisip niyang sa sobrang ganda niyang ito, papayag ba naman siyang mamuhay nang miserable?

May napansin siyang coffee shop at kaysa mag-stay dito sa mainit, gusto niyang sa loob ng aircon.

Kaya doon siya pumasok.

Napatitig kaagad sa kanya ang lahat na naroroon. Mula sa mga servers at nasa kaha, hanggang sa mga kumakain at nagkakape doon.

She occupies one table.

Tarantang lumapit kaagad ang young man na food server. Gustung-gusto siyang pagsilbihan.

Ngiting-ngiti ito habang hindi maalis-alis ang mga mata sa mukha ni Leilani. “Ma’m, kukunin ko po order n’yo.”

Napaisip si Leilani.

Ano ba ang sasabihin niya eh, wala naman siyang pera.

“Ahm, puwede bang makiupo na lang? Hindi ako puwedeng umorder kasi … nawala ang bag ko, e. Na-snatch kasi.”

“Naku, Ma’m … kawawa ka naman. Sige ho, mag-order na kayo, kahit ano, sagot ko na.”

Natuwa si Leilani.

Napatunayan niyang ang sobrang kagandahan ay talagang isang kapangyarihan.

“Naku, nakakahiya naman.”

“Huwag na ho kayong mahiya. Hindi naman ninyo kasalanan na na-snatch ang bag ninyo. Eh, tiyak na nagugutom na kayo. Sige na, umorder na kayo. Masarap ang mga cakes at pasta namin dito. Saka kape, galing Batangas.”

Napaisip si Leilani.

Wala siyang kinakain kundi iyung fluid lang sa IV. Niloko lang naman niya kanina ang military employee na gusto niya ng gulay.

Pero sa totoo lang, hanggang ngayon, wala siyang nararamdamang gutom sa mga pagkain ng tao.   

ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with