Zombie Family (365)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 28, 2020 - 12:00am

YANIG si Leilani sa kanyang nakikita.

Si Nikolai, isang zombie na lawit ang napakahabang dila, maiitim ang mga mata at paligid pero hindi nabubulok.

Bumukas ang kanyang mga mata, saka na-realize ng babaing flying zombie na nananaginip lang pala siya kanina.

Pero totoong-totoo ang vision na iyon.

Ano’ng ibig sabihin? At sino ang gumawa ng ganoon? Na makikita niya si Nikolai sa ganoong itsura sa isang pana­ginip na parang totoo?

Bigla nakarinig siya ng boses sa ilalim mismo ng sarili niya.

Hindi niya boses.

Boses na nakakapa­ngilabot.

“Bibigyan kita ng mas malaking kapangyarihan kapag naakit mo si Nikolai at maging kaanib natin siya.”

“Sino ka?” Para tuloy baliw na nagsasalitang mag-isa si Leilani.

Siya lang kasi ang nakakarinig ng boses na iyon.

Dahil monitored siya bawat galaw o ingay, alerto na ang nasa computer screen.

“She is talking to herself. Walang visuals ng kinakausap niya. So it could be herself she is talking.”

“Pero may nakukuha pa tayong signal na kakaiba. It doesn’t come from her but it is within her. Parang may audio siyang naririnig.” Sagot naman ng isa pa sa monitoring department.

“This is weird!”

“Baka kailangan nating puntahan para makita talaga natin what is this.”

“Ako ba o ikaw ang pupunta? Dapat kasi may maiiwan dito.”

“Ako na lang.”

Inoobserbahan ng naiwan ang pagpasok ng kasama sa detaining room. Sinipat nito nang husto  ang gising na gising na si Leilani.

Kanya ring naririnig ang usapan ng dalawa.

“May kinakausap ka kanina. At na-detect namin na may kakaibang ingay ang loob ng katawan mo. What was that?”

Hindi sumagot si Leilani.

Naisip niya kasing ang dapat niyang protektahan ay kapakanan niya. At ang sino man ngayon na nangako sa kanya na kapag naakit niya si Nikolai at mapasunod sa kanyang gusto, bibigyan siya ng napakalaking kapagyarihan. ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with