Zombie Family (349)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

NAKITA ni Nikolai na nagliligpit na ang mga tao ng gobyerno na humuli kay Leilani.

“What happened here? Huwag naman sanang may nangyari na kay Laurice at sa mga bata.”

Medyo madilim na, habang dahan-dahan lang ang paglipad ni Nikolai sa ibabaw ng residence nina Laurice, nakita niya si Laurice at mga bata, nasa swimming pool area, nag-uusap.

Kita niyang seryosong pag-uusap.

Hindi siya makapagpakita.

Sa itsura niyang ito, ano ang mangyayari kapag nakita siya?”

Matatakot.

At paano ba niya ipapaliwanag ang mahirap ipaliwanag?

Ang pagkabuhay niya sa ilalim ng dagat, ang pagi­ging flying zombie na hindi nabubulok.

Pero naisip niya, ano pa ba ang dapat niyang itago?

Bakit ba hindi maaring ipaalam na naging ganito siya, ‘di ba marami na rin naman talagang hindi mapapaniwalaang pangyayari sa buhay nila ngayon?

Dahan-dahang bumaba sa lupa si Nikolai.

Sa tapat ng pamilya.

Shocked ang lahat.

Hindi agad mapagsino kasi naunahan ng takot.

Napasigaw pa ang dalawang teenagers.

“AAAHHHHHHH!”

“EEEEHHHHHH!”

Si Herman ay agad pumorma para ipagtanggol ang pamilya.

Hindi niya aakalain kailanman na si Nikolai ito.

Hindi niya kayang mamukhaan agad.

Pero si Laurice, dahil nga siguro ang puso ay may bahagi na si Nikolai, agad niyang nakilala ang binata.

“Nikolai!”

“N-Nikolai?...”

“Si Nikolai, si Nikolai ‘yan, Herman!”

“Paano siya naging …”

“Mahaba ng dila, maiitim ang mga mata, may mga pakpak, nakakalipad … isa siyang flying zombie, Herman!”

“Pero hindi siya nabubulok! Nikolai … kung ikaw nga …ipaliwanag mo nga kung ano na ang nangyari sa iyo!” Matapang na humarap si Herman. Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with