Zombie Family (341)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 4, 2020 - 12:00am

KAHIT isa na siyang halimaw, natutong matakot ang flying zombie.

Ang mekanismong kukuha sa kanya mula sa pagkakaipit sa matibay na pinto ay parang halimaw din sa tingin niya.

Parang isang higanteng tinidor na may mga matutulis na ngipin.

Palapit nang palapit sa kanya.

Humanda naman si Leilani. Hindi siya madaling masiraan ng loob.

Lalaban siya!

Hindi siya  magpapahuli. Kung siya man ay makakaalis sa pintong ito, tatakas siya kahit sa ano  mang paraan.

Akala niya ay hahawakan na siya ng mekanismo. Pero hindi pa pala. Bumuga muna ang bunganga nito ng yellowish na likido.

Napaliguan siya.

“Ganyan lang pala! Iyan lang pala ang alam ninyong panlaban sa akin! Walang kakuwenta-kuwenta! PWEEEEH!”

Si Herman ang sumagot kay Leilani.

“Maghintay ka lang. Baka masyado kang mabig­la, Leilani!”

Bigla na lang parang lumuwag si Leilani sa pinto.

“Makakatakas na ako!” Tuwang-tuwa siya at bumubuwelo na.

Nang bigla na lang may tumapat sa kanya na bilog na instrument na kasing-laki ng round table na may regular size.

At sa isang kisapmata, may humigop na magnet kay Leilani.

Mabilis lang iyon. Pati ang paghigop sa kanya papunta sa bilog na magnet.

Ni hindi nakabuka ang mga pakpak  ni Leilani. Ang force sa bilog na mekanismo na humigop sa kanya ay matindi.

Ni hindi siya makakilos pati ang kanyang mga pakpak. Kahit pa libre na siya, hindi na siya naiipit sa napakatibay na pinto, wala siyang makapang lakas.

Hinihigop siya ng bilog na mekanismo. Pati lakas niya hinihigop din nito.

Naisilid siya sa isang mobile na kulungan. Na nakakabit pala sa helicopter sa ibabaw nila.

Nang secured na siya sa kulungan saka lang gumalaw ang helicopter. Palayo na.

Tangay na ang numero unong public enemy. Isang halimaw, isang flying zombie.

Napaiyak sa galit si Leilani.

Napasigaw siya sa sobrang emosyon. “It is so unfaiiiiir! Hindi ko naman ginustong maging flying zombie bakit kayo nagagalit sa akin???”

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with