^

Para Malibang

Pagbabagong Buhay

Pang-masa

Kapag pinag-uusapan ang personal na transformation maging ito ay personal na pagbabawas ng timbang, financial na makaahon sa utang, mental na ma-overcome ang anxiety, spiritual na magkaroon ng healing o kapayapaan, relasyon na maayos ang nasirang  ugnayan, at iba pang aspeto ng buhay; ang totoong pinag-uusapan ay ang pagbabago.

Karaniwang natatakot ang marami kapag kailangang magbagong buhay. Ang iba ay saka lamang umiikot ng 45 degrees kung kailan hindi na makayanan ang isang bagay.

Ibig sabihin ay kailangang maging ready at willing na ang indibidwal na gawin ang pagbabago na dapat gawin.

Habang kahit maraming bagay na pumipigil sa atin na gawin ang pagbabago, ang higit na importante ay ang personal na transformation sa mga nais ipatupad na kadalasan ang siyang ating worst enemies. Isipin ang maraming negatibong self-talk na inuulan ang sarili ng self-criticism at nag-aalangan sa sariling kakayahan.

Kailangan ng powerful na pag-iisip upang magkaroon ng motivation na pakawalan ang nakaraan at negatibong paniniwala.

Sa halip ay ang mga bagong pananaw at positibong pag-iisip lamang ang dapat na i-entertain. Upang matupad ang tunay na transformation sa hinahangad na pagbabagong buhay.

Ang maganda sa ganitong powerful na mindset ay nagkakaroon ng awareness para mayroong  mental ninja toolbox sa gustong personal na transformation. Ito ay magsisilbing non-judgmental na paraan upang malaman kung saan magsisimula sa areas ng ating buhay sa pagiging self-critical, nararanasang pag-aalingan, at iba pang negatibong pag-iisip sa sarili. Bagkus ay palitan ito ng mga positive at fulling na bagay. Basagin ang cycle na pinipintasan ang sarili, kundi magkaroon ng awareness na palakasin ang loob. Mag-isip ng maganda at importanteng bagay para sa iyo. Piliin ang magandang mantra na mas magtutulak at magpo-promote ng positive na pag-iisip.

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with