Pinoy Fish Steak
BURP - Koko (Pang-masa) - December 5, 2019 - 12:00am

Ang Pinoy fish steak ay isa ring version ng bistek Tagalog. Ang kaibahan lamang, imbes na baka ay isda ang ginagamit.

Maaaring gumamit ng iba’t ibang klase ng isda sa dish na ito pero ngayon ay pipili tayo ng boneless bangus.

Ingredients:

4 na slice ng bangus belly

1 malaking sibuyas

2 Calamansi/lemon juice

 2 Bawang

2 Luya

 1 tsp Asin at paminta

1/4 cup ng toyo

1/4 cup ng tubig

cooking oil para sa pagpiprito

Paraan ng pagluluto:

1. Iprito ang bangus hanggang mag-medium brown ang kulay nito.

2. I-set aside ang isda.

3. Magtira ng kaunting mantika para igisa ang bawang, sibuyas at luya.

4. Ilagay ang toyo, tubig at calamansi/lemon juice. Haluin nang mabuti. Muling ilagay ang prinitong isda at iluto ng tatlong minuto. 

5. Pagsaluhan kasama ang mainit na kanin. Burp!

(source: panlasangpinoy.com)

FISH STEAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with