Damo na panira ng View
KUMPUNERONG KUYA - RCL (Pang-masa) - November 30, 2019 - 12:00am

Ang bilis tumubo ng damo sa paligid ng kabahayan. Kahit pa sabihin na kasama ang paglilinis ng mga damo sa inyong bakuran bilang maintenance mula sa iyong monthly due sa inyong barangay.

Ang siste ay may pagkakataon na hindi mo na mahintay ang nakatokang magtatabas ng damo dahil panira sa magandang view ng iyong harapan o sa gilid ng iyong gate.

Lalo na kung nagkataon ang kapitbahay mo ay bihira lamang umuwi ng kanilang bahay, kaya ang damo ay gumapang na sa iyong pader.

Puwes para hindi na ma-bad trip sa mabilis na pagtubo ng damo, isa lang ang solusyon dito. Walang iba kundi ang puting distilled vinegar.

Maghanda ng kalaha­ting tubig sa balde magpatak lamang 2 o 3 tatlong kutsara ng suka. Saka idilig sa paligid pagkatapos matabas ang damo.

Tiyak na hindi na tu­tubo muli ang damo sa paligid. Puwedeng ulitin ang proseso kung kinakailangan.

DAMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with